Pag ipinagpatuloy ang landfill na balak ninyo, ito ang sisirain, malinis na ilog, maligamgam na tubig buhat pa
sa kaitaasang bayan ng Alfonso, Magallanez at Maragondon masasayang ito.
Mga opisyales kala mo matalino, nag-apruba at nagbigay ng permiso, pangahas na plano ay gagawin dito, kapalit
ay kalinisan ng isda, hipon, lukan, talaba, sugpo at alimango. Dito tayo ay naliligo, natutong lumangoy at naglalaro, gagawing
tambakan ng basura at bulok na likido, magbubuhat pa sa kalakhan Maynila kapalit ay ang kagandahan at kalinisan ng kalikasang
tinatamasa ko...sender of this letter is not to be disclosed.