Ternate Cavite Website

Baryo KAKABAY

Home | LATEST NEWS | Anti-Landfill Rally and News September 2008 | Translation, English,Tagalog, Chavacano | Ternate Against Landfill | "Isigaw mo dito---Grita bo Aqui" | Ternate-Mountain-Severely-Damaged | Updated Landfill News | Impacts of Landfill | Baryo KAKABAY | Tuloy ang Landfill | PUBLIC-HEARING-Landfill | Stop Landfill | Ternate Student Corner | Dalawang-Mukha-ng-Basura | Local-Group-Officers-Ternate | Landfill-Minutes-of-Meetings | LANDFILL-Plan | Bayani ng Ternate | (MRF) Material Recovery Facility for Ternate | Elenor-Diones-Prayer | All About Chavacano Dialect | Ta Senyala pa ba bo? | Feature of the month | Alamin sa PAHINA NA TO kung sino ang Lingkod Bayan na Makabayan at kung sino Ang Taksil sa Mamamayan | Sports Page and etc | Our Purpose | Balitang Ternate | Cuandu Muchachu i Muchacha pa Mutru | Friends of Ternate Chavacano | Alaala ng Ternate | Calendar of Events | CCTofUSA Committee | Very Disturbing E-mail from Concern Citizens | Balitang USA | Ternatenyo Achiever | LANDFILL in TERNATE | Fisherman Story | "TAUSA" Ternate Association of USA | "Ternate Bayan Ko Mahal Ko" | Storya de Barra | History of Ternate | Ternate Chavacano Prayer

Lingid sa Kaalamanan ng Lahat meron pala isang Baryo sa Ternate na hindi nararating ng ating mga kababayan. Basahin lang po ang aming karanasan ng dalawin namin ang baryo ng Kakabay noong January 14, 2010.  by Andy R. Huerto 1-24-10.

dsc02831.jpg

Tulad ng pahayag ko na nakasulat sa ibaba.... ang baryo kakabay ay walang suplay ng kuryente at wala man lamang silang Telebisyon. Napag-alamanan namin ito ni Mr. Rico Diones noong ipinasyal nya ako kasama si Ginoong Ramil Madlangbayan sa baryo Kakabay. Nakita namin ang mga paslit at kabataan, kasama ang mga matatanda na halos walang libangan man lamang.

Sinabi namin noon sa mga taga Kakabay na gagawa kami ng paraan upang sila ay magkaroon man lang ng Telebisyon na ang gamit ay beterya ng sasakyan.

Minsan ay nag-meeting kami sa bukid ni Jun Ronquillo, kasama si Hido de Leon, Rico Diones, Leo Diones, Boy Sullivan, at madami pang iba, noon at pinag-usapan namin ang tungkol sa Telebisyon.

Gusto kong malaman ng lahat na ang baryo Kakabay ay meron ng Telebisyon at sagot ng grupo ang pagme-mentine ng baterya upang ito ay patuloy na magamit.

Ako ay nagpadala na ng basketball para sa mga kabataang natunghayan ko noon na ang kanilang ginagamit na bola ay hindi na magtatagal.

Nagpadala na din ako ng mga kendi para sa mga paslit at kasama na ang mga para sa matatanda.

By: Andy R. Huerto 3-28-10

Baryo KAKABAY

 

Ito ang pangalan ng isang baryo sa isang sulok ng bayan ng Ternate nasa lalawigan ng Cavite.

Isang Baryo ito na sa aking hinala ay napapabayaan, una ko ito ay napasyalan sa pakiusap ni ginoong Rico Diones na pasyalan upang maipakita nya sa akin at mapatunayan na meron palang isang baryo sa bayan ng Ternate na napabayaan at hindi nabibigyan ng pansin at pagkalinga.

Unang pagbisita-Araw ng Huwebes (January 14, 2010)

Sa pangunguna ni Mr. Ramil Madlangbayan at Mr. Rico Diones pinuntahan namin ang nabanggit na baryo KAKABAY.

Ang baryo KAKABAY ay narating namin mula sa bayan ng Ternate sakay ng motorsiklo at scooter, pagkalampas namin ng baryo Sapang pumasok kami sa isang mabato, maalikabok at bako-bakong maliit na daan o kalye (maputik pag tag-ulan, at ito din ang nagsisilbing daanan papunta sa mga Quarry), Habang kami ay patuloy na bumabagtas sa nasabing maliit na kalye narating namin ang isang kapansin-pansin na nasa bandang kaliwa ay ang nagtambag na basura. Sa kalagitnaan pala ng mga nagkalat na basurang ito sa kabundukan ng Ternate, doon pala kami dadaan upang makarating sa baryo Kakabay. Hindi ko akalain na sa dulo pala ng nagtambak na basurang na ito ay doon matatagpuan ang baryo KAKABAY na nasasakupan ng bayan ng Ternate.

Noong kasalukuyan na bumabagtas kami sa kalagitnaan ng basurahan, kapansin-pansin na merong kabataan na naglalakad at ang iba sa kanila ay walang saplot sa paa.

Nang marating namin ang bungad ng Baryo KAKABAY, sakay ng motorsiklo, napansin namin ang mga bata at matanda ay kumakaway at bumabati ng magandang umaga at kumusta na po kayo. Ang kanilang pagbati ay naging hudyat upang  kami ay tumigil at bumaba ng motorsiklo. Dama namin ang kanilang bukal sa kalooban na pagtanggap sa aming pagdating, lalo na ang mga bata na ang karamihan ay wala man lamang sapin sa kanilang mga paa.

Noon nagsilapit ang mga bata na isa-isang inabutan namin ni Rico at Ramir ng pamaskong pera, habang kasalukuyan kami ay nagbibigay pamasko, naging hudyat yon upang makuha ang pansin ng ibang bata na naglalaro sa di kalayuan sila ay nagsilapit at suerte naman na sapat ang aming inihandang pamasko pera. Ganon din ang ibang nakakatanda ay naabutan din namin ng konting perang pamasko. Ito ay isa sa aking naging kaugalian tuwing nauwi ng Pilipinas. Sa kahilingan ni Rico Diones ay nakiusap sya na sana ang mga bata sa baryo Kakabay ay maisama sa listahan ng aking pinamamaskuhan.

Habang naglalakad at namimigay kami ng pamasko, nagpasya kami ay magsimulang maglakad papasok ng baryo, napansin at namangha ako sa aking natunghayan, malinis ang lugar at magagalang ang lahat ng naninirahan sa baryo KAKABAY.

Maganda ang kanilang naging pagtanggap sa amin, magalang silang kausap pero mapait ang kanilang hinaing at kahabag-habag ang kanilang kalagayan.

Hindi ako makapaniwala na meron palang isang baryo sa ating bayan ng Ternate na ang nakakaraming kababayan natin sa Ternate ay hindi alam na meron palang isang lugar sa bayan ng Ternate na hindi man lang nararating ng nakakarami at ang baryo na ito ay madaming taon na ang nakakaraan at kitang-kita ang kanilang kalagayan ay napapabayaan.

Sa aking pagdalaw at pagbisita sa baryo na ito ay hindi ko napigilan ang mahabag lalo na sa mga bata at noon naramdaman ko ang madurog ang aking damdamin noon nalaman ko na wala silang sapat na silid aralan (Isa lang ang silid aralan at doon ay samasama lahat ang nasa una, pangalawa, pangatlo at pang-apat na grado at nag-iisa din ang guro). Wala silang sentro ng pangkalusugan at wala silang palingkuran. Walang kuryente at walang telebisyon.

Meron isang pagkakataon na nakita ko ang isang ina na naka-upo sa pintuan, sya ay naka-balot ng kumot, akala ko ay me sakit pero sabi nya sa akin ay nagiginaw daw lang sya. Nakipagkuentuhan sya sa akin at nasabi nya na doon na nga daw sya napadpad sa baryo kakabay, naitanong ko kung tagasan sya, nasabi nya na sya ay mula sa probinsya ng Bicol, Habang nakikipag-kuentuhan sya sa akin ay lumapit sa kanya ang isang batang babae, at humihingi ng pera, sabi nya ay wala syang pera, tumingin sa akin ang ina at ito ay naging hudyat upang ako ay dumukot ng isang daang piso sa aking bulsa at ito ay ibinahagi ko sa dalawang bata na sa sandaling iyon ay magkasama. Pansin ko ang tuwa sa mukha ng dalawang bata at dali-dali silang naglakad palayo at sabi ay bibili daw sila ng kendi. Nagpasalamat sa akin ang Ina at natutuwa naman ako na kahit sa maliit na halaga ay napasaya ko sila.

Pangalawang araw Biyernes ng Umaga (January 15, 2010).

Kasama ko si Mr. Rico Diones at nakarating kami hanggang doon lamang sa tapunan ng basura upang personal ko suriin ang tapunan ng basura.

Noong dumating kami sa tapunan ng basura ay meron kaming inabutan na dalawang dalagita na naghihingutuhan sa isang sulok, nilapitan ko sila at mabait naman sila ay bumati sa amin. Naging maganda ang kanilang pakikipag-usap sa amin ng tanungin ko sila kung ano ang kanilang ginagawa doon, sabi sa akin ay naghihintay daw sila ng darating na trak ng basura, nasabi sa kanila ni Rico na hindi darating ang trak ng basura dahil ito ay sira at nadaanan naming kahapon. Pagkatapos sabihin ni Rico sa kanila na hindi na darating ang trak ay nagpasya kami na maglakad na lamang papunta sa dulo ng tapunan ng basura dahil hindi na kami puede magmaneho ng sasakyan dahil hindi makakapasok ang kotse, napagkasunduan na lamang naming ang maglakad. Habang naglalakad kami ay napansin ko ang dalawang kabataan na nakasunod sa amin, hinintay ko sila at nakipagkuetuhan sila sa akin, naitanong ko sa kanila kung magkano naman ang kanilang kinikita kapag sila ay nagkakalkal ng basura, sabi sa akin ay pinakama-suerte na daw ang kumita sila ng 30 pesos isang araw. Pagkasabi sa akin ay dali-dali ko sila ay binigyan ng 50 pesos bawat isa, nakita ko sa kanilang mga mukha ang tuwa at saya, Natanong nga pala nila ako kung hindi daw ako natatakot sa kanilang lugar, natanong ko kung bakit tinanong nila ako ng ganon, ang sabi sa akin ay balita daw na madaming NPA sa kanilang lugar, at ito naman ay mariin na sinabi sa akin ng dalawang kabataan na hindi totoo na merong NPA na tumitigil o nakatira sa kanilang baryo, sabi ko naman sa kanila na wala naman kami dapat ikatakot dahil maganda naman ang aming intensyon na makatulong at tumulong sa kanila na naninirahan sa baryo Kakabay, pagkasabi ko sa kanila na hindi ako natatakot ay sinabi naman nila sa akin na kilala na daw nila kami yung nagpunta kahapon (Huwebes enero 14, 2010) natatandaan daw nila kami na namigay ng pamasko, katunayan daw ay kasama sila sa mga nakatanggap. Pagkatapos ng konti pang kuentuhan, nagpa-alam na sila ay pauwi na at bakat sa kanilang mga mukha ang saya habang sila ay palayo ay walang tigil naman sila ng pagkaway. Kami naman ni Rico ay nagpasya na din bumalik sa aming sasakyan dahil meron pa kaming salo-salong pupuntahan sa bukid ni Mr. Jun Ronquillo.

Noong nasa bukid kami ni Mr. Jun Ronquillo ay nagkita-kita kami ni Mr. Hido de Leon, Jimmy Catarroja, Mr. Willy Sosa, Mr. Sullivan (boy) Salcedo, Mr. Rico Diones at madami pang iba.

Nabanggit ko sa mga kasamahan ang tungkol sa ginawa kong pag-bisita sa baryo Kakabay, naging interesado si Mr. Jun Ronquillo sa nabanggit naming ni Mr. Rico Diones sa nabanggit na lugar.

Sinabi sa akin ni Mr. Jun Ronquillo na gusto din nya mapuntahan at madalaw ang nabanggit na baryo Kakabay at hindi sya makapaniwala na sya man ay hindi nya alam na meron palang isang baryo sa dulo ng bayan ng Ternate.

Napagkasunduan namin na kinabukasan ng Sabado umaga ay kung maaring samahan sya na puntahan ang baryo na bago sa kanyang pandinig.

 

Pangatlong Araw Sabado ng Umaga (January 16, 2010).

Pagkatapos kong ayusin ang aking mga gamit na dadalhin pabalik sa Amerika ay nagpunta na ako sa bahay ni Mr. Hido de leon habang ako ay nagkakape, pinag-uusapan naming ang tungkol sa kalagayan ng pamumuhay ng mga tao sa baryo Kakabay, nakiusap si Mr. Hido de leon na alamin na din namin kung ano ang mga kakailanganin at pangangailangan ng mga taga baryo kakabay na pede nya maibigay na tulong sa kanila pagdating ng panahon na sya ay meron ng pagkakataon na makatulong sa kanila na mga kapuspalad na napadpad at ipinanganak sa baryo na lingid sa ating kaalamanan ay nasa nasasakupan ng ating mahal na bayan na Ternate. Di nagtagal ay dumating sila Mr. Jimmy Catarroja at Mr. Jun Ronquillo at pagkatapos nila magkape, sumakay na si Jun sa kanyang scooter at ako naman ay umangkas kay Jimmy ng sa ganon ay magkaroon ako ng pagkakataon makakuha ako ng video o litrato habang nakaangkas ako sa kanya.

Noong malapit na kami sa baryo kakabay me nadaanan kaming mga kabataan na tulad ng dati ay naghinhintay na naman ng trak ng basura.

Hindi pa kami nakakalayo sa isang makipot na kalsada na pababa ay bigla na lamang nadulas ang scooter ni Jimmy at medyo natumba ang sasakyan namin, medyo nagalusan ang aking binti at ganon din si Jimmy, hindi namin ito ininda, sas pagkakataon na yon ay inalok ako ni Jun na sa kanya na lamang muna umangkas dahil medyo mas malaki ang scooter na kanyang minamaneho, habang nakaangkas ako kay Jun ipinaliliwanag ko sa kanya ang mga pangangailangan ng mga taga baryo Kakabay, tulad ng Kuryente, paliguan, kasilyas, silid aralan at telebisyon.

Nang dumating kami sa papasok ng baryo, napagpasyahan na lamang naming na iwanan na lamang ang scooter sa bungad ng baryo at maglakad na lamang papasok, napansin din ni Jun ang kalinisan ng kapaligiran at magalang ang mga tao (Bata man o Matanda).

Tulad ng dati ay namigay na naman kami ng konting pamasko, noon ay mababakas na naman ang saya at tuwa sa mukha ng mga bata. Meron pa nga  ng kabataan na nagsabi na hindi daw sya nabigyan ng pamasko noong nagdaan na araw na nagpunta kami doon, kaya ang sabi ko naman sa kanila ay ihatid muna nila ang kanilang dala-dalang buwig ng saging at pagkatapos ay puntahan nila kami doon sa umpukan.

Madami kami nadaanan na nag-uumpukan at sila ay tahimik na nakikinig sa mga paliwanag at sinasabi namin ni Jun na tutulungan sila sa kanilang pangangailangan, at ganon din ay pinakikinggan namin ang kanilang hinaing tungkol sa kanilang kalagayan at pangangailangan.

Kapuna-puna ang mga kabataan na ina ay meron anak na sa edad 28 ay anim na ang supling, at meron naman sa edad na 26 ay apat na ang anak.

Habang kami ni Jun ay nakikipag-usap sa mga ina ng tahanan, si Jimmy Catarroja ay lumapit sa akin ang humingi ng pangbayad daw sa tinapay. Sabi k okay Jimmy, hindi ako nagugutom, at ang sabi naman sa akin ni Jimmy ay hindi para sa akin ang tinapay…. Noon nya itinuro sa akin ang mga bata ay kinakain na ang tinapay at kitang-kita ko na dalawang kamay ang hawak-hawak ang tinapay at unti-unti nilang kinakain ang tinapay na kapansin-pansin na nakasalo ang isang kamay sakaling meron malaglag mula sa isang kamay. Sa pagkakataon na yon ay tinanong ko kay Jimmy kung saan nya binili ang tinapay, itinuro nya ang isang timba na dala-dala ng isang matandang babae at noon sinabi k okay Jimmy na pakyawin na nya ang tinapay at ipamahagi sa mga ina ng tahanan. Isa-isang inabutan ni Jimmy ang mga ina na naroroon sa sandaling iyon. Kapansin-pansin ang kanilang tuwa at hindi man sila nagpatumpik-tumpik na tanggihan ang aming kaunting tulong at marahil ito ay dala ng kanilang kahirapan.

Pagkatapos ng ilang sandali pa na pagpapaliwanag sa mga ina at kabataan ay nagpasya na kami ay magpatuloy ng paglalakad at doon ay meron naman kami nakita na mga kabataan na kalalakihan at natanong naming kung saan sila galing, kapansin-pansin na bawat isa sa kanila ay me hawak na itak, ngunit hindi ito naka-sagabal sa amin upang sila at salubungin at kausapin. Sa pagkakataon na ito ay muli sila ay nagpakita ng paggalang sa amin ni Jum at Jimmy. Kinausap sila ni Jun tungkol sa family planning at ipinaliwanag ni Jun kung ano ang kahalagahan ng pagiging magulang sa mga anak, at kung paano maging mas responsableng magulang.

Magalang na sumang-ayon ang mga kabataang ama kay Jun at sumang-ayon sila na sa darating na panahon ay tatanggapin nila ang aming inaalok na tulong tulad ng Kooperatiba at tulong pinansyal.

Pagkatapos ng pakikipag-usap sa mga kabataang ama, Nagpasya na kami ay bumalik na sa bayan ng Ternate dahil ako (Andy) ay kailangan na maghanda upang magpahatid sa Airport pabalik sa Amerika.

This is page is dedicated to the people of baryo Kakabay January 24, 2010

This page added for "Ternate Bayan Ko Mahal Ko" 5-18-12
 
This website created 2005 by Andy R. Huerto....
Last Time this site is updated: May 26, 2010
Updated: August 14, 2011