TUTULAN ANG TERNATE LANDFILL!!
Layon ng mga Caviteņo ang proteksyon ng kapaligiran
para sa pagpapatuloy ng sangkatauhan
Kami, ang mga mamamayan ng Ternate, kaisa ang mga nagmamalasakit
na institusyon, ahensya at organisasyon mula sa iba't-ibang sektor ng lipunan sa Cavite, ay labis na tumututol sa iminumungkahing
Sanitary Landfill sa Brgy. Sapang, Ternate, ng proponent nito na ENVIRONSAVE.
Inc.
Ang panawagang ito ay aming isinasagawa dahilan sa mga sumusunod:
1. ISYUNG PANGKAPALlGIRAN. Ang panukalang lugar para sa naturang
imbakan ng basura ay kabahagi ng tinatawag na kawa O lunas ng tubig tabang O
Ground Water Basin Area, ayon sa pag-aaral ng Japanese International
Cooperating Agency (JICA) at local Water Utilities Authority (LWUA).
Bilang isang imbakan ng
Tubig, makakapinsala ang posibleng pagtagas ng dumi na magmumula
sa katas ng mga basurang itatambak sa naturang lugar.
Ang naturang Iugar ay idineklara din bilang kabahagi ng bufferzone
ng Mt. Palay Palay - Mataas na GuIod Forest Reservation/NationalPark, (Proclamation
No.1594). Bilang isang deklaradong lugar para sa konserbasyon ng likas na yaman at turismo, ang Ternate ay hindi
dapat pahintulutang malapastangan, bagkus ito ay patuloy na dapat maproteksyunan. Kasabay nito, ang Ternate ay naitalaga bilang
isang Environmentally Constrained Area, ayon na din sa Provincial Developmental Plan ng Cavite. Ito ay nangangahulugan
na hindi maaring gumawa ng anumang aktibidades O proyekto na maaring makaapekto O makapagpabago sa natural na estado ng naturang
lugar.
Idagdag pa dito ang katotohanang
ang lupa sa naturang lugar ay volcanic, na ang uring ito ay makakapagpalala lamang ng pagsira ng Lining ng isang Landfill,
dahilan ng pagtagas ng mga nakalalasong katas ng basura. Kung sa gayon, ang Temate ay hindi tugmang lugar para sa isang imbakan
ng basura. At ayon din sa mga pag-aaral, tulad ng ginawa ng United States – Environmental Protection Agency
(US-EPA), kahit pa sa isang normal na uri ng Iupa at mataas na kalidad na liner,
ang kahit anumang landfill ay magkakaroon ng pagtagas ng mga nakalalasong katas, dahil na din sa mga kemikal na
dulot ng mga ltinambak na basura.
2. ISYUNG PANGKALUSUGAN. Base sa karanasan mula sa Carmona,
ang operasyon ng isang imbakan ng basura ay nagdudulot ng polusyon na nakakapinsala sa kalusugan ng mga taong direktang nakapaligid
dito, gayundin sa mga karatig bayan. Ayon pa din sa pag-aaral na isnagawa ng mga eksperto, tulad ng US-EPA, ang mga
nakalalasong hangin O likido nagmumula sa landfill ay maaring magdulot ng kanser sa gall bladder, baga
at tiyan, leukemia at, iba pang abnormalidad sa kalusugan ng tao.
3. ISYUNG PANGLIPUNAN. Labis ang pagtutol ng mga Ternateņos ukol sa proyekto. Ito ay ayon na din sa naging resulta ng Inisyal na pakikipagdayalogo na isinagawa
ng tagapagsimula ng proyekto. Ang naturang pagtutol ay isang senyales ng labis na pagmamalasakit ng mamamayan ukol sa pangangalaga
sa kapaligiran.
At dahil sa mga naturang mga kadahilanan, kami ay labis na
tumututol sa pagbubukas ng isang sanitary landfill
sa Brgy. Sapang,Ternate, at hinihiling sa DepartmentaI Environment and Natural Resources(DENR) na huwag magbigay ng
isang Environmental Compliance Certificate (ECC) sa nagpapanukala ng proyekto.
Kasabay nito, aming iminumungkahi ang mga sumusunod:
1. Pagpapatupad ng mga probisyon sa Ecological Solid
Waste Management Act of 2001. Ayon sa naturang batas, ang pangunahing pangangasiwa ng basura ay
kinapapalooban ng apat na R: reduce (pagbawas), re-use (muling paggamit), recycle (pagpapanibagong gamit),
at respond (pagtugon). Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng konsultatibong paraan. Pagbubuo ng Solid Waste Management
Board, pagtatatag ng materials recovery facility sa bawat pamayanan, at pagpasa ng mga kinakailangang ordinansa
ukol sa pagpapatupad ng wastong pangangasiwa ng basura.
2. Patuloy na pagpapatatag at pagtataguyod ng lahat ng pagsisikap
para malutas ang problema sa basura. Kabahagi nito ay ang isang mas malalim at mas seryosong pagbubuo at pagsasagawa ng mga
programa O proyekto na lubusang magbibigay ng solusyon sa
problema sa basura. na kung saan ay lalong magpapatibay sa mga gawaing
may kinalaman sa pangangalaga ng kapaligiran.
Bllang mga Malaya at makakalikasang Caviteņo ay buong
tapat na itinataIaga ang aming mga sarili para sa pangangalaga at pagpapanibagong buhay sa kalikasan bilang Isang daan upang
makamtan ang katarungan at kagalingang panlahat. Tlnatawagan namin ang pamahalaan na kumilos ng walang kinikilingan kaugnay
sa nasabing usapin. Tinatawagan namin ang lahat ng Caviteņos at buong sambayanang Pilipino na maging mapagbantay at
mapagpasiya upang maipagpatuloy ang pangangalaga ng kapaligiran at maipagtanggol ang preserbasyon ng sangkatauhan!!